Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla

Supporters ni Bong nasaktan sa pagkatalo, ‘di pagkasama sa Top 12

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI naman ang nagtataka kung bakit binura o tinanggal ni  Bong Revilla ang nai-post niyang pasasalamat hours after nang bilangan sa pagka-senador na nasa ika-14 na puwesto nga lang siya.

Sa naturang post ay buong giting nitong tinanggap ang resulta at nagpasalamat nga sa sambayanan dahil mukha ngang hindi na aakyat pa sa Top 12 ang kanyang posisyon kaya’t bigo siyang magkaroon ng ikalawang termino sana.

Bakit nawala? Bakit tinanggal?,” tanong ng netizen at mga supporter niya na kahit nasaktan daw sa sinapit ni Bong sa karir nito sa politika ay naniniwalang may 2028 pa na susunod na halalan.

Talaga lang daw na naging mahigpit ang laban at umiral ang mga laro sa politika na masasabing nag-pokus sa negatibong aspeto ng mga kandidato, imbes na sa magagandang nagawa nito.

Hindi na nakawala o naalis sa isipan ng mga tao ang minsang pangyayari sa buhay ni Bong nang makulong ito. Pinagbayaran na niya, nagdusa na siya at gumawa ng mga magagandang bagay para sa sambayanan pero….” ang tila may hinanakit na litanya ng kanyang mga supporter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …