Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruffa Gutierrez Herbert Bautista

Ruffa nagpakilig sa birthday greeting kay Bistek

MA at PA
ni Rommel Placente

MUKHANG wala ng pag-asa ang ex husband ni Ruffa Gutierrez, si Ylmaz Bektas sakaling umuwi ito ng ‘Pina at  makipagbalikan sa aktres. 

Obvious na inlove na rin si Ruffa sa boyfriend nitong si Herbert Bautista. 

Lantaran na ngang ipinakikita niya ang pagmamahal sa komedyante.

Sa kanyang TikTok account nitong Martes, May 13, ay idinaan ng aktres ang kanyang  pagbati sa birthday ng dating Quezon City mayor sa pamamagitan ng cute na compilation videos ng kanilang happy moments. 

Sa video makikita ang pagde-date nila sa isang restaurant, panonood ng NBA games, at pagbisita ni Herbert sa bahay nina Ruffa ka-bonding ang mga aso ng aktres. 

Sa caption ng post ni Ruffa sey nito, “One day late but the most unforgettable moments don’t make it to social media.

“Happy birthday, HERBERT CONSTANTINE MACLANG BAUTISTA!”

May 12 ang birthday ni Herbert at 57 years old na siya. Going strong to more than four years naman ang kanilang relasyon na nagsimula sa seryeng The House Arrest of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2020, panahon ng pandemic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …