MA at PA
ni Rommel Placente
HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa Mae Quinto nitong mga nagdaang taon.
Bukod sa paghihiwalay nila ng asawang si Trevor Magallanes ay nadamay pa siya sa isang investment scam na napatunayan namang wala siyang kasalanan.
Sa pagbisita ni Rufa Mae sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin niya na talagang naapektuhan siya sa pagkakasangkot sa investment scam na nagdulot sa kanya ng matinding stress na umabot pa sa pagkahimatay niya sa loob ng kanyang hotel room.
Aniya, buti na lang at walang masamang nangyari sa kanya nang mangyari ang insidente.
“Mula noon, sabi ko, ‘di na ako puwedeng mag-emote kasi ‘yung anak ko paano siya? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Baby pa siya, ‘di ba? Sabi ko, sa sobrang takot, sa sobrang heavy, puwede mo pala ikamatay,” sabi ni Rufa Mae.
Ibinalita rin ng aktres na nagdesisyon siyang dito muna uli manirahan sa Pilipinas kasama ang anak na si Athena na isang malaking adjustment sa bagets.
“Nalulungkot siya. Siyempre, gusto niya makitang buo ang pamilya niya. Ayaw niya umalis ng Amerika. Siyempre, may school na siya roon, doon siya lumaki.
“Parang ‘di pa siya ready lumipat sa Pilipinas ppines pero siguro sa lahat ng pinagdaanan ko, na-feel niya na rito na lang tayo sa Philippines. Na-feel na rin niya na hirap na hirap na siguro ako.
“At saka siguro mas relaxed na ‘ko ngayon. Sure na sure na. May isang bagay na sure ako, rito muna kami,” aniya pa.
Samantala, nagkahiwalay man sila ni Trevor ay nananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t isa.
“Siyempre mahal ko, asawa ko ‘yun eh, ‘di ba? Hanggang ngayon naman asawa ko pa rin naman siya eh. Kaya lang, ayaw na rin niya, so ayaw ko na rin at iginagalang ko ‘yun.
“Kasi mas kadiri naman kung ayaw ko pang tumigil, ‘di ba?” aniya pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com