Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Verzosa Dan Fernandez Ejay Falcon Bong Revilla Manny Pacquiao Willie Revillame Phillip Salvador Vico Sotto

SV, Dan, Ejay pagkatalo maagang tinanggap; Bong, Manny, Willie, Ipe olats; Vico pinakain ng alikabok ang kalaban

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GUSTO rin namin ang ginawang pag-concede nina Sam Verzosa, Dan Fernandez, at Ejay Falcon sa mga naging laban nila.

Maagang nag-concede si Sam nang milya-milya siyang iwanan ni yorme Isko Moreno sa Manila gayundin si Dan na tinalo ni Sol Aragones sa Laguna, at si Ejay sa Mindoro naman.

Sobra ring nakalulungkot ang pagkawala ni Sen. Bong Revilla sa Top 12 ng pagka-senador though big winner sa Cavite ang asawa niyang si Lani Mercado at anak na si Jolo, pati na ang mga kapatid niyang sina Bacoor Mayor Strike Revilla at Rowena Mendiola.

Nawala na nga raw ba ang estrella ni Manny Pacquiao na hindi nakalusot sa muli nitong pagtakbo bilang Senador? And yes, big turn off din daw kay Willie Revillame ang ugali nitong mapaghiganti at pikon?

Nakabibilib naman ang suportang nakuha nina Jimmy Bondoc at Phillip Salvador mula sa Duterte country in Mindanao dahil humamig din sila ng milyones na boto though kulang kung ikukompara sa mga nakuha nina Bam Aquino, Kiko Pangilinan, at Rodante Marcoleta.

Muntikan nang malaglag sa Top 12 si Imee Marcos na naungusan pa nina Lito Lapid at Camille Villar. Mahina na rin daw ba ang Marcos magic sey ng mga netizen?

Ang mga dating senador na sumabak sa ibang posisyon ay 50/50 din. Win si Nancy Binay sa Makati, habang lotlot naman si Cynthia Villar sa Las Pinas at Sonny Trillanes sa Caloocan.

Siyempre sad din kami sa aming kumpareng Joey Salceda na ngayon lang tinalo bilang governor ng Albay (by a few thousand votes lang), though happy for Leni Robredo na nagwagi sa Naga City.

And yes, biggest winner din si dating President Digong Duterte sa Davao at anak nitong si Baste bilang Vice Mayor.

At sino ang hindi bibilib sa tikas ni Pasig City Mayor Vico Sotto na pinakain ng alikabok ang mga kalaban?

Of course, sa mga bago at balik-senadong sina Tito Sotto, Ping Lacson, Lito, Pia Cayetano, Imee at sina Kiko at Bam, with Erwin Tulfo, Camille Villar, at Rodante Marcoleta, plus Bato dela Rosa at Bong Go naku po, gogogogow lang talaga ang nasabi namin hahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …