Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa ring bumibisita sa puntod nito sa Libingan ng mga Bayani.

Iyan ang ibinalita ni Lotlot de Leon matapos bisitahin ang libingan ng kanyang yumaong ina kasama ang kanyang mga anak na sina Diego, Maxine, Jessica, at Janine, at kapatid na si Kiko. Kasama rin nila ang boyfriend ni Janine na si Jericho Rosales.

Ibinahagi ng premyadong aktres sa kanyang Instagram page ang kanilang family photos na kuha sa harap ng puntod ni Ate Guy.

Two days ago we visited mom with her apos and echo and my brother Kiko.Maayos na ‘yung lugar,” simula ng mensahe nI Lotlot.

Todo ang pasasalamat ni Lotlot sa patuloy na pagbibigay-pugay ng mga tao sa kanyang nanay, lalo na sa mga tagahanga nito.

Araw-araw marami pa rin bumibisita sa kanya.There are times I wait in the car when I visit her ‘pag maraming tao. And I see how they pay their respects to mom. Salamat sa pagmamahal niyo sa kanya.

“Thank you sa inyo na dumadalaw at lagi kayo may dalang bagong kandila at bulaklak para kay Mommy.

“I’m sure she’s smiling from up above and masaya siya. Thank you for always praying for her too,” pahayag pa niya.

Pinasalamatan din niya ang mga opisyal at staff ng Libingan ng mga Bayani.

Maayos na ‘yung place ng mommy… sobrang linis at ganda. I’m really grateful sa malasakit niyo.

“Mula sa aking puso, Mahal ko kayo at maraming salamat,” mensahe pa ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …