Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa.

Huhusgahan na natin ang mga kandidatong matagal-tagal din tayong kinumbinsi at niligawan para iboto sila.

Mula sa lokal na mga posisyon sa bawat bayan at probinsiya hanggang sa mga senador, ito na po ang araw na tayo ang dapat na manaig at gamitin natin ng mahusay ang kapangyarihang ipinagkaloob sa atin ng Saligang Batas.

Palasak man ang kasabihang “vote wisely,” ito pa rin naman talaga ang gagamitin nating batayan kasama na ang konsensiya at laman talaga ng ating mga puso para pagkatiwalaan ang mga nagnanais na tayo’y paglingkuran.

Personally, ang listahan ko ng mga senador ay magkakahalong mga kandidato na mayroong napatunayan at nagawa para sa bansa at mga baguhang may bitbit na pag-asa, walang bahid ang integridad at may pangakong liberal at balanse ang pagtingin sa mga isyu.

Sa aming lugar, sinuri ko na rin ang mga kandidato sa Antipolo City batay na rin sa mga noon pa ma’y panuntunan ko na sa paghalal ng mga pagtitiwalaang mga lider.

Good luck po sa ating lahat at samahan po natin ng pagdarasal ang ating gagawing pagboto ngayong araw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …