Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

051025 Hataw Frontpage

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), nagpapakita ng patuloy na pagdami ng nakukuhang suporta sa mga botante ilang araw bago ang eleksiyon.

Nakakuha ang grupo ng voter preference rating na 0.80 percent para mapabilang sa mga nangungunang partylist groups na halos nakatitiyak na ng isang silya sa House of Representatives.

Kasama na ang BH sa Top 40 mula sa higit 150 accredited partylist organizations.

Ang survey na isinagawa nitong Mayo 2025 ang nagsilbing pinakamalaking naitala ng BH sa nakalipas na anim na buwan, nagpapakita ng consistent na pagtaas sa mga survey na nagsimula sa 0.23 percent noong Disyembre, 0.27 noong Enero, 0.53 noong Pebrero, 0.62 noong Marso at 0.72 pagsapit ng Abril.

“This is a vote of confidence from the Filipino people. We have always stood for solo parents, women, the urban poor, and those who are often forgotten. The survey shows that our work is resonating—and we are grateful,” ayon kay House Deputy Minority Leader at BH Partylist Rep. Bernadette Herrera.

Kilala bilang “Solon ng Soloista” dahil sa pagsusulong sa mga karapatan at kapakanan ng mga solo parents, principal author din si Herrera ng Safe Spaces Act, batas na nagpaparusa sa gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, sa mga work places, sa mga paaralan at maging sa online.

Ang patuloy na pag-angat sa survey ng BH Partylist ay indikasyon ng patuloy na commitment nito sa serbisyo-publiko at sa mga reform-driven legislation.

Sa kabila ng kakulangan sa resources, patuloy na nagsusulong ng mga polisiya ang BH na nakasalalay sa dignidad, kaligtasan at opurtunidad para sa mga sektor na hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ng gobyerno.

“With your trust, BH will continue to be a voice for the voiceless and a force for real change in Congress,” sabi pa ni Herrera.

Hinihikayat ng BH Partylist ang mamamayan na maging mapanuri at nagkakaisa sa huling yugto ng kampanya.

“Hindi kami artista, hindi kami trapo. Kami ay tunay na kakampi ng bawat pamilyang Filipino,” diin ni Herrera. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …