Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr

INC inendoso si Bong Revilla

NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa  Iglesia Ni Cristo (INC) at sa kanilamg Executive Minister Eduardo V. Manalo sa pag-endoso sa kanyang kandidatura sa Senado.

Sa kanyang Facebook Live post,  nagpasalamat nang marami si Bong Revilla sa INC habang nangangako na ipagpapatuloy ang pagsisilbi sa mamamayan nang higit na may alab.

“Maraming salamat po kay Kapatid na Eduardo Manalo at sa buong Iglesia Ni Cristo sa inyong patuloy na tiwala sa akin, tungo sa inyong naging kapasyahan na ako po’y muli ninyong suportahan sa ating pagpapatuloy manilbihan sa bayan,” pahayag ng senador.

“Hindi ko po sasayangin ang inyong suporta at paniniwala sa akin,” dagdag niya.

Pinaniniwalaang ang endoso ng INC sa mga kandidato ay inaabangan ng kanilang 5-milyong miyembrong botante na may impluwensiya sa resulta ng kanilang boto. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …