Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Untold

Untold swak na swak sa Boomers at Zoomers

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

UY, ibang klaseng Jodi Sta. Maria ang mapapanood sa Untold na showing na ngayon sa mga sinehan.

Nagtataka nga kami kung bakit hindi ito napasama sa 2024 MMFF entries gayung ‘di hamak naman ang pagka-disente ng pagkakagawa nito ni direk Derick Cabrido kompara roon sa award-winning horror entry na nang-iinsulto sa kamalayan ng mga manonood hahaha!

Anyway, ang updated script ang isa sa mga nagdala ng Untold. Kuhang-kuha kasi nito ang boomers at gen z, na pati ang lengguwahe at humor ay swak na swak. Ang totoo naman kasing pakiramdam kapag nanonood ka ng isang horror flick ay ‘yung pagtatawanan mo ang iyong sarili after mong magulat, masindak, sumigaw, at tumili sa mga eksenang pinanonood mo.

Ganoon ang sangkap ng Untold kaya masarap itong panoorin.

Then there was the genius of Jodi na napakahusay naman talagang gumanap. 

Napaghahalo niya ang drama at comedy, ang empathy at inis, ang takot at tapang sa kanyang mga mata at body movement.

Naku, basta manood na lang po kayo. Ito ang isang horror movie na hindi ninyo pagsisisihang mapanood dahil sabi nga namin, hindi kayo iniinsulto bilang manonood.

Ang maganda pang balita, ang Regal Films na siyang nag-produce ng movie ay nagawang makipag-bargain sa mga SM theater dahil ang laki ng discount na ibibigay nito sa mga student watcher. Just bring lang your ID at hayun makaka-discount ka na. 

Siyempre ‘yung mga senior citizen at PWD ay kasama rin.

Bukod kay Jodi, nasa movie rin sina Joem Bascon, Lianne Valentin, Kaori Oinuma, at ang bonggang Miss U, Gloria Diaz.

Showing po ang Untold nationwide!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …