Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Ate Vi pilit ginagawan ng isyu, dagdag tax ‘di totoo

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

DAHIL wala ng maibatong isyu ang mga kalaban sa ating mahal na Queenstar for all Season Vilma Santos-Recto, hayan at gumagawa na sila ng ‘fake news’ laban dito.

Pati ba naman ang Department of Finance (DOF) na maayos ang trabahong ginagawa sa sambayanan ay gawan ng isyu tungkol umano sa karagdagang buwis?

Dahil nga asawa ni ate Vi si Sec. Ralph Recto, pilit na isinasangkot ang opisina nito sa usaping wala namang katotohanan.

Mariing pinabulaanan ng DOF ang lumabas na report na nagsasabing mag-i-impose ng bagong ‘taxes o buwis’ ang gobyerno.

Ipinagdiinan ng DOF na walang pangangailangan para sa karagdagang revenue measures sa panahong ito ang gobyerno dahil higit sa sapat nitong fiscal position.

Sinabi mismo ni Sec. Ralph na maayos na nama-manage ng pamahalaan ang  finances nito at masisigurong ang mga pangangailangan ng publiko ay natutugunan  ng walang kailangang bagong mga buwis na magpapahirap sa tao.

“Ginagamit ng mga katunggali namin sa politika ang usapin. Ayos lang sana kung totoo pero hindi nga eh,” sagot sa amin ng mga supporter nina Ate Vi, Luis Manzano, at Ryan Christian Recto.

Ratsada kasi ang ganda ng takbo ang kampanya ng mag-iina at tiwala naman sila sa mataas na respeto, paniniwala, at pagtitiwala ng mga kababayan nila, pero dapat nga tamang ituwid ang mga maling balita.

This is not just for us here in Batangas kundi maging sa buong bansa. Kahit kailan ay hindi naging tama ang pagpapakalat ng mali at walang katotohanang info gaya ng ganyan and that needs correction, rectification and clarification. Kahit ang mainstream media ay dapat maging sensitive at aware sa mga ganyan,” dagdag pa ng mga kausap namin.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …