Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leninsky Bacud ABP Partylist

P1-M pabuya alok ng ABP Partylist laban sa gunman, utak sa pagpaslang kay Bacud

NAG-ALOK ng halagang P1 milyon ang Ang Bumbero ng PIlipinas (ABP) Partylist sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa utak ng pagpatay kay Chairman Lenin Bacud, 3rd nominee ng partido.

Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Ejercito Goitia himihingi sila ng katarungan sa sinapit ng kanilang kasama na siyang tunay na founder ng partido at tunay na isang bombero.

Hindi naitago ng grupo ang pagkondena sa itinuturing nilang walang katarungang pagpaslang kay Bacud.

Inamin ni Goita na nakatatanggap ng mga banta sa buhay si Bacud ngunit binabalewala nito sa hangaring makapaglingkod sa bayan.

Bagama’t hindi tuwirang tinutukoy na suspek ang kalaban ni Bacud partikular ang mga sinampahan niya ng reklamo sa Korte at sa Commission on Elections (Comelec), ngunit sa sandaling mawala ang nagreklamo ay tiyak na maibabasura ang kasong isinampa.

Umaasa at nagtitiwala si Goitia sa mga awtoridad para sa agarang pagresolba ng kaso.

Bagamat mayroon nang suspect ang mga awtoridad at ang kanilang grupo ay minabuti muna nilang manahimik upang bigyang daan ang imbestigasyon.

Tiniyak ni Goitia na hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamit ni Bacud ang hustisya at hindi nahuhuli ang mga sangkot sa krimen upang panagutin. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …