Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Senate Senado

“Labor Commission” isinusulong sa senado

IMINUNGKAHI ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles ang pagbuo ng isang national labor commission na magsasama-sama sa kongreso, ehekutibo, at labor stakeholders para isulong ang pangmatagalang reporma upang mapabuti ang buhay ng mga manggagawang Filipino.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Senado kahapon, 30 abril 2025, binigyang diin ni Cayetano ang pangangailangan ng mas malawak at koordinadong tugon sa labor issues, lalo na’t paulit-ulit ang usapin sa taas-sahod ngunit hindi pa rin tugma sa tunay na gastusin ng mga pamilya.

“Ano ang pinag-uusapan natin perennially tuwing Labor Day? Napupunta lagi sa ‘minimum wage.’ Actually, kung titingnan mo ang Constitution, ang pinag-uusapan ay ‘living wage,” wika niya.

Ayon sa senador, ang inspirasyon sa panukala niyang “LabCom” o labor commission ay mula sa matagumpay na modelo ng Congressional Commission on Education (EDCOM), na nagsanib-puwersa ang gobyerno at mga eksperto mula sa pribadong sektor para lutasin ang matagal nang problema sa edukasyon.

“Kung lab (love) natin ang Filipinas, kung lab (love) natin ang ating laborers, kung gusto natin ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na hindi na kailangan mag-abroad, we have to have a labor commission,” biro niya, gamit ang salitang “lab” bilang shortcut ng “love” at “labor.”

Hindi tulad ng purong congressional body gaya ng EDCOM, iminungkahi ni Cayetano ang isang legislative-executive Labor Commission na bubuuin ng mga mambabatas mula sa parehong kapulungan, mga miyembro ng Gabinete mula sa mga labor-related agencies, at mga kinatawan ng malalaking negosyo, MSMEs, at labor groups.

Giit ng senador, hindi naging sapat ang mga umiiral na mekanismo tulad ng tripartite wage boards sa pagbibigay ng tunay na solusyon sa mga problema ng mga manggagawa, kahit pa matagal na itong pinag-uusapan.

“Thirty years na ako sa politika. Nagkaroon ba ng tunay na living wage? Hindi… The real issue — the living wage — we’ve never gotten to it,” wika niya.

Dagdag niya, hindi papalitan ng panukalang komisyon ang kasalukuyang sistema sa pagtatakda ng sahod. Sa halip, magbibigay ito ng dagdag na rekomendasyon batay sa ebidensiya at pagkakasunduan para tugunan ang isyu sa sahod, proteksiyon sa mga manggagawa, at ang kabuuang gastusin sa pamumuhay.

Plano ng senador na ihain ang panukalang batas matapos ang huling konsultasyon sa iba pang mga senador. Ibinunyag din niyang suportado ito ni Senador Pia Cayetano.

“Ang maliit na contribution namin ni Senator Pia, at tulong ko kay SP (Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero) sa administration niya this Labor Day, is to push for this commission,” aniya. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …