Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., kung bakit nananatiling matibay na baluwarte niya ang Mindanao habang nilibot niya ang ilang lalawigan sa iba’t ibang rehiyon nitong 28-29 Abril.

Sa kanyang pagbisita sa Lanao del Norte, Sarangani, Bukidnon, at Davao del Sur, sinalubong si Revilla ng masisigabong palakpakan, mainit na pagtanggap, at napakalakas na suporta – patunay na ang batikang mambabatas ay nananatiling makapangyarihang puwersa sa timog.

Isang makasaysayang baluwarte ni Revilla, ang Mindanao na naglulok sa Senador sa unang puwesto noong eleksiyon ng 2010, at may mahalagang papel sa kanyang pagbabalik sa Senado noong 2019. Ngayon ay muling nakahanda ang rehiyon na muli siyang suportahan.

Minamahal si Revilla sa rehiyon dahil sa kanyang tapat na serbisyo publiko. Sa katunayan, inampon siyang anak ng Sultan Kudarat, kung saan iginawad sa kanya ang titulong Sultan Aadil o “Prinsipe ng Katarungan” bilang pagkilala sa kanyang mga hakbang upang pagaanin ang kalagayan ng mga Filipino Muslim at itaguyod ang kaunlaran ng Mindanao – isang patunay ng malalim na respeto at ugnayang kultural sa mga taga-Mindanao.

Noong 28 Abril, sinimulan ni Revilla ang kanyang kampanya sa Lanao del Norte, kung saan nakipagpulong siya sa mga emergency responder mula sa buong lalawigan sa MCC Complex sa Tubod.

Mainit siyang tinanggap ng mga tao, na sumasalamin sa matagal nang paghanga ng lalawigan sa kanya.

Kasunod nito, nag-courtesy call siya kina Governor Angging Dimaporo, Congressman Khalid Dimaporo, at Congresswoman Sitti Dimaporo, kasama ang 21 lokal na punong ehekutibo upang talakayin ang mga isyung kinahaharap ng lalawigan at ang kanyang pangakong lutasin ito sa pamamagitan ng makabuluhang batas.

Sa hapon, nagtungo siya sa Sarangani kung saan siya ay sinalubong nina Governor Ruel Pacquiao at Congressman Steve Solon.

Isinagawa ang isang masiglang motorcade sa General Santos City, habang naghihintay ang mga residente sa gilid ng kalsada upang masilayan ang iniidolong aktor at senador.

Kinabukasan, nagpatuloy ang kanyang kampanya sa Bukidnon at nakipagkita kay Governor Oneil Roque, Congresswoman Laarni Roque, at Congressman John Flores, kasama ang ilang mga alkalde mula sa lalawigan.

Sinundan ito ng isang masiglang motorcade sa Valencia City, at bumisita siya sa pampublikong palengke ng lungsod upang makipagkamay sa mga nagtitinda at mamimili.

Sa isang tanghalian sa Sta. Cruz, Davao del Sur, nakipagpulong si Revilla kay Mayor Tata Sala at sa mga lider mula sa Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte – patunay ng pagkakaisa ng mga lalawigan sa Davao.

Tinapos ang dalawang araw na Mindanao tour sa isang motorcade sa Davao City, na muling dumagsa ang napakaraming tao, higit pang pinagtitibay ang kanyang suporta sa rehiyon.

“Buong puso po akong nagpapasalamat sa Mindanao. Sa bawat eleksiyon, sa bawat laban, kayo ang naging matatag kong kaagapay. Hindi ko malilimutan kung paanong kayo ang tumanggap at yumakap sa akin mula pa noon hanggang ngayon. Habambuhay kong ipaglalaban ang inyong kapakanan – dahil ang tagumpay ko ay tagumpay ng Mindanao,” pagwawakas ni Revilla. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …