Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) sa loob ng tatlong araw sa TLC Park C6 na nagpakita ng pinakamalaking pagdaraos ng ‘graffiti mural arts festival’ sa layuning mapaunlad ang ugnayan ng mga alagad ng sining sa buong mundo.

Malugod na binati nina Mayor Lani Cayetano at kabiyak na si Senator Alan Peter Cayetano ang mga magagaling at bantog na lokal, pati na ang mga dayuhang indibiduwal sa larangan ng sining na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo na nagtungo sa TLC Park para lumahok sa naturang festival.

“Every time this event returns to Taguig, it feels like a homecoming. This marks the third consecutive year that Taguig host the Philippine leg of this international graffiti mural arts festival and every year it becomes more vibrant, more inclusive, more powerful and bigger,” pahayag ni Mayor Cayetano.

Binigyang-diin ni Cayetano na ang MOS ay hindi lamang pagpipinta sa mga containers kundi ito ay buhay na isinasalarawan sa pamamagitan ng sining.

Kung ang mga kalahok aniya ay lumikha ng kanilang pagpipinta sa Taguig, hindi lang sila nagpakita ng kagalingan sa sining kundi naging bahagi rin sila ng misyon ng lungsod.

“The public spaces can be places for expression, reflection, and imagination that our youth, our artist, and our communities, deserved spaces that inspire, engaged and unite,” dagdag ni Cayetano.

Tinukoy ni Cayetano na isa ito sa dahilan kaya’t binuksan nila ang TLC Park at nilikha ang mural park upang hindi lamang sa mga galleries at sa mga bahay nakasabit ang magagandang pinta kundi natutunghayan ng publiko at magiging bahagi ng kasaysayan ng Taguig. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …