Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mavy Legaspi Kyline Alcantara Kobe Paras

Kyline nakakukuha ng negatibong impresyon

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA pinag-uusapang Kyline Alcantara at Kobe Paras, hindi talaga maiiwasang itanong ng sambayanan kung ano nga ba talaga ang tunay na kulay ni Kyline?

Kung paniniwalaan kasi ang pattern na sinasabi hinggil sa manner ng pagtrato niya sa mga nakaka-relasyon, tila si Kyline nga ang parang may isyu.

Hindi naman siguro basta na lang kakampihan ng mga nanay ng naging jowa niya ang mga anak nila sa usaping ‘physical assault’ o pananakit sa mga ito?

At dahil hindi rin naman nagsasalita ang parents ni Kyline, siyempre sila at ang anak nila ang nasa negatibong panig at nakakukuha ng pangit na impression.

Deka-dekada na naming nakasama, nakatrabaho, nakilala, at naging kaibigan ang parents nina Kobe at Mavy Legaspi, kapwa exes na ngayon ni Kyline. At kung ‘yun ang aming pagbabasehan ng kabutihan at ka-disentehan ng kanilang pamilya, nasa kanila ang ‘bias’ namin.

Kawawang Kyline. Sana nga ay mas mag-focus na lang siya sa kanyang career. 

Paunlarin ito at ipakitang deserve siya ng showbiz at deserve niya rin ito, lalo pa’t sa naging relasyon niya lalo na rito kay Kobe, kulang na lang sabihing naibigay na niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …