Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iñigo Pascual Piolo Pascual

Inigo inamin ‘di kayang tapatan nagawa at kontribusyon ng amang si Piolo sa entertainment industry

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Inigo Pascual sa Fast Talk with Boy Abunda, natanong siya ni Boy Abunda kung  anong napi-feel niya kapag ikinukompara siya sa amang si Piolo Pascual.

Sinasabi kasi ng iba, na mas guwapo at mas magaling sa kanya si Piolo.

Sagot ni inigo, never naman siyang na-offend o nagalit sa nagkukompara sa kanilang mag-ama, kahit minsan ay  offensive pa ang mga sinasabi ng netizens.

Para sa ‘kin hindi ko siya matatanggal sa buhay ko, sa pagkatao ko, kung sino ako. Kasi wala naman ako sa mundong ‘to kung wala ‘yung tatay ko, magulang ko,” sabi ni Iñigo.

Dagdag pa niya, “Para sa ‘kin hindi siya obstacle, hindi siya problema kasi wala naman ako sa industriyang ‘to kung wala rin naman ‘yung tatay ko.

“Para sa ‘kin it’s an honor that I get, it’s an honor to be compared to my dad,” sabi pa ni Inigo.

Aminado si Inigo na hindi rin siya sigurado kung matatapatan o malalagpasan niya ang nagawa at mga kontribusyon ng ama sa entertainment industry.

At tanggap na rin niya na mas guwapo ang kanyang tatay kaysa kanya.

Sa mga kaibigan ko, mas ipinagmamalaki ko pa si Papa na parang, ‘Ito ‘yung tatay ko. Can you believe it? This is my dad. He looks like my older brother.’

“For me that’s more of a bragging right,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …