Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristine Reyes Marco Gumabao

Ogie isiniwalat Cristine-Marco hiwalay na

MA at PA
ni Rommel Placente

SA latest episode ng kanyang vlog na Showbiz Update, ibinahagi ni Ogie Diaz na may isang source na nag-chika sa kanya na break na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Sabi ni Ogie, “Well, kinompirma ito sa atin ng isang malapit sa dalawa. Yes, split na sila.”

Ayon sa talent manager, wala raw binanggit ang kanyang source na dahilan, kung bakit naghiwalay na sina Cristine at Marco. Basta kinompirama lang sa kanya na totoong hiwalay na ang dalawa.

Basta pareho raw nalungkot sa nangyari ang dalawa, na ang relasyon ay umabot din ng dalawang taon. Kaya hintayin natin kung sino sa kanila  ang unang mag-iispluk,” dagdag pa ni Ogie.

Posible raw na kapag natapos na ang eleksiyon ay magsasalita si Marco hinggil sa sitwasyon.

Kasalukuyang tumatakbo ang binata bilang kongresista sa 4th district ng Camarines Sur.

Sinamahan pa ni Cristine noong October 2024 si Marco nang magsumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec).

Nanghihinayang kami na nauwi rin sa wala ang relasyon nina Crsitine at Marco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …