Thursday , September 4 2025
Isko Moreno Manny Pacquiao

Anak ng Mahirap at Batang Maynila
Manny Pacquiao at Isko Moreno nagsanib-puwersa sa kampanya

BASECO, MAYNILA — Nagsanib-puwersa si senatorial candidate Manny Pacquiao, na kilala bilang “Anak ng Mahirap” at si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang “Batang Maynila” sa kampanya sa Baseco at Sta. Ana, Maynila.

Ipinahayag ni Moreno, tumakbo bilang pangulo noong 2022, ang kanyang buong suporta sa pagbabalik ni Pacquiao sa Senado.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na isang dating kalaban sa pagkapangulo ang nagbigay ng suporta kay Pacquiao, na nagpapakita ng lumalakas nitong puwersa bilang kandidato sa ilalim ng administrasyon.

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., din ang pumili kay Pacquiao na isama sa senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Pinuri ni Moreno ang kuwento ng buhay ni Pacquiao bilang inspirasyon para sa milyon-milyong Filipino na nagsusumikap makaalpas sa kahirapan.

“Pareho kaming galing sa hirap. Hindi nakalilimot si Manny sa kanyang pinanggalingan, kaya karapat-dapat siyang bumalik sa Senado,” ani Moreno.

Nagpasalamat si Pacquiao sa endoso ni Moreno, at nangakong isusulong ang mga batas na magpapataas sa antas ng pamumuhay ng mahihirap at titiyakin na walang maiiwang Filipino.

“Ang laban ng mahirap ay laban nating lahat. Maraming salamat sa tiwala, Mayor Isko. Sama-sama tayong magtutulungan para sa bagong pag-asa ng bayan,” pahayag ni Pacquiao.

Dinalohan ng libo-libong tagasuporta ang kampanya nina Pacquiao at Moreno sa Maynila, na nagsilbing simbolo ng pagkakasundo at sama-samang hangarin para sa pambansang pag-unlad sa kabila ng kanilang dating pagiging magkaribal sa politika.

Naniniwala si Pacquiao na ang paglakas ng suporta sa kaniya ay hindi lamang para sa puwesto sa Senado, kundi sa layunin na buklurin ang mamamayan sa pangarap niyang  pag-unlad, katarungang panlipunan, at pamahalaang may malasakit.

“Hindi puwedeng iwanan ang mahihirap sa biyahe ng pag-unlad. Doon tayo kasama ng mga naniniwala sa atin. Kung magkaisa tayo, kaya nating itaguyod ang isang gobyernong tunay na para sa masa, makatao, makatarungan, at makabansa,” dagdag ni Pacquiao. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

FGO Logo

Gamit ang Carrot, Patatas at Camote
CLEANSING DIET UPANG MAPABILIS ANG PAGGALING NG MAY SAKIT

MALAKING bahagi ng wastong paggamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain …

Angeles Pampanga Police PNP

4 miyembro ng hold-up gang timbog sa checkpoint; baril, granada nakompiska

ARESTADO ang apat na kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng hold-up gang sa isang checkpoint operation …

Motorcycle Hand

Nakaw na motorsiklo pinang-good time, suspek timbog

NADAKIP ang isang suspek sa pang-aagaw ng motorsiklo matapos mahuli sa aktong paggamit nito sa …

Goitia Kabataan Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Chairman Goitia: Kabataan, Nagising na at Lalaban para sa West Philippine Sea

Para kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng …

Graziella Sophia Ato PAI Eric Buhain Anthony Reyes Swim

Ato, Chua nanguna sa PAI National Open Water Tryouts; pasok sa SEA Games

CURRIMAO, Ilocos Norte — Itinatak ng Rising stars na sina Graziella Sophia Ato at Alexander …