Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila.

Kahanay na ni Miles sa naturang artist’s management company sina Marian Rivera, Maine Mendoza, at Carla Abellana among other talents nina direk Mike Tuviera, Jojo Oconer, at Ms. Jacqui Cara.

Masaya po. Hindi ko po talaga sukat akalain na aabot sa ganito dahil sabi nga nina direk Mike, years ago pa nila ako laging binibigyan ng project. Pinaka-malaki na ‘yung ‘Padyak Princess’ sa TV5, kaya paano naman po ako hihindi,” sey ni Miles.

Excited ang aktres na bumalik sa pag-arte though napatunayan na naman ni Miles na isa nga siya sa pinakamahuhusay na dramatic stars sa ngayon. 

Na-miss ko po talaga. Gusto kong makagawa para pambalanse naman sa mga kakornihan at kakalugan natin sa ‘Eat Bulaga,’” hirit pa nito.

Ano pa ba ang mahihiling ko ‘pag ganitong mas may direksiyon at magagandang nangyayari sa career at personal life ko kundi ang mag-give back at maging mas masaya,” ganting tugon ni Miles.

Sa usaping ‘love is lovelier the second time around’ nga nila ni Elijah Canlas ay mas open na ang aktres-host sa posibilidad ng ‘kasal’ nila though siyempre kapwa pa sila focused sa respective career nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …