PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the title of the song by Canadian singer-rapper na si Tony Lanez, na Wish I Never Met You.
Sa pinagdaraanan (pinagdaanan na?) kasi nila Kyline Alcantara, marami ang naniniwalang patama na niya ‘yun sa aktres na balitang nakahiwalayan na niya.
Sari-saring isyu ang lumabas na kesyo may cheating, may gamitan ng sasakyan, may kampihan ng parents at iba pa, kaya’t nagmistula na itong hindi simpleng away ng mag-jowa.
Ang medyo nakalulungkot lang sa mga ganap na ganyan ay ang tila naiipit ngayong imahe ni Kyline dahil kung pagbabasehan ang isyu sa naging break up nila ni Mavy Legaspi, wala halos itong ipinagkaiba sa sinasabing break up niya with Kobe?
Si Kyline ang lumalabas na manipulative, scheming, o may problema lalo’t may mga parent especially the nanay ng guys na tila may pa-cryptic message rin na iniuugnay sa status ng break up?
Sa mga naunang naglabasang mga socmed posts ng lambingan at lovey-dovey moments nina Kobe at Kyline, nahuhusgahang “clingy” nga kung hindi man nalalagay sa negatibong aspeto ang imahe ni Kyline.
Pero sa kada intriga sa kanya ng ganyan, lagi siyang may bagong project sa TV huh!