Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng gabi ang psychological horror film na Untold, na pinagbibidahan ni Jodi Sta Maria. Mula ito sa direksiyon ni Derick Cabrido. At mula sa  istorya nina Direk Derick, Roselle Y. Monteverde, na producer din ng pelikula, Noreen Capili at Anton Santamaria.

In fairness. nagustuhan namin ang movie. Masasabi namin na isa ito sa mga horror film na nagustuhan namin. Matatakot ka talaga sa maraming eksena at mapapasigaw ka. Hindi ito katulad ng ibang  horror film na napanood namin, na imbes na matakot ka, ay matatawa ka pa. Wala kaming napansin na tumawa sa mga nakatatakot na eksena, maliban lang doon sa ibang eksena na hinaluan ng kaunting comedy.

Sa pelikula ay gumaganap si Jodi bilang si Vivian na isang  journalist. Humanahap siya ng mga sensational stories para sumikat at mapag-usapan. Si Gloria Diaz ang gumaganap na nanay niya.

Kayo na lang ang humusga at magtanong sa inyong sarili kung namatay ba si Jodi sa ending ng Untoldo hindi?

Ang Untold ay ang unang horror film ni Jodi sa Regal Films, at ang ikaapat na pinagbidahang horror film.

And in fariness kay Jodi, ang galing niya sa pelikula, huh! 

Bukod kina Jodi at Gloria, kasama rin sa pelikula sina Juan Karlos Labajo, Kaori Oinuma, Lianne Valentin, Mylene Dizon, Joem Bascon, at Sarah Edwards.

Showing na sa mga sinehan ang Untold simula April 30. Watch ninyo, siguradong magugustuhan ninyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …