Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez

Sanya never idinenay at itinago sa publiko na may naging dyowa

MA at PA
ni Rommel Placente

DAHIL ang title ng latest movie ni Sanya Lopez ay Samahan ng mga Makasalanan, kaya naman natanong siya sa isa niyang interview kung may nagawa na rin siyang kasalanan.

Ayon sa aktres, mayroon na rin in the past. Wala naman daw kasing perpekto. Lahat naman daw tayo ay nagkakasala o nakagagawa ng kasalanan.

Isa nga sa mga nagawa niyang kasalanan ay ang magsinungaling sa ilang interviews niya sa mga miyembro ng press.

Oo. Well, there are times na kailangan. It’s a white lie,” rebelasyon ni Sanya.

Pero mariin naman niyang idinenay na may naging dyowa siya noon na itinago niya sa publiko, “Ay, hindi, wala. Pero hindi niyo alam kung sino ‘yung mga nanligaw.”

Ini-reveal din niya na may pagkakataon na gusto raw niyang mang-block ng kapwa niya artista sa social media lalo na ‘yung mga toxic.

Kapag attitude sa akin ‘yung tao, mute lang. Kasi ‘pag block, alam na niya, eh,” sabi ni Sanya na wala namang binanggit kung sino ang mga celebrity na naka-mute sa kanya.

Kapag naka-mute ang isang account, hindi mo makikita ang mga post ng isang pina-follow o follower mo pero maaari pa rin mag-interact ang inyong accounts.

“Pero kapag block, totally hindi na pwedeng makipag-interact sa iyo ang account na ito,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …