Friday , May 16 2025
Janine Gutierrez Pilita Corrales Nora Aunor Lotlot de Leon

Lotlot at Janine magkasunod na dagok dumating sa buhay

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

DOBLENG dagok din para sa mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez ang pagkamatay ni Nora Aunor.

Nagluluksa pa sila sa pagyao ni mamita Pilita Corrales nang sumakabilang buhay naman si Nora.

Dalawa nga sa pinagpipitaganang mga reyna sa industriya ang magkasunod na pumanaw at dahil kapwa sila may kaugnayan kina Lotlot at Janine, nalungkot at nag-alala rin ang kanilang mga fan.

Kahit sa video at photo lang namin napanood ang pagtatagpo nina Lotlot at nakagisnang ama na si Boyet de Leon, grabe rin ang pagkalungkot namin. Hindi man sila magkadugo, pero tunay na mag-ama talaga ang turingan nila.

At kung konsolasyon mang matatawag ang pag-anunsyo ni Jericho Rosales during the wake na siya ang boyfriend ni Janine, for sure ay napangiti nila ang kanilang mga fan o hanay ng EchoNine.

Iba talaga ang buhay noh. Talagang laging may kakambal ang bawat bagay. Sa gitna nga ng kalungkutan ay may kasiyahan pa rin.

About Ambet Nabus

Check Also

Rufa Mae Quinto

Rufa Mae sa Pilipinas muli maninirahan

MA at PAni Rommel Placente HINDI biro ang mga pinagdaanang pagsubok ng komedyanang si Rufa …

Jace Salada

Jace Salada bibida sa Sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla NAPAKA-BIBO ng batang actor at isa sa host ng award winning children …

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Liza Diño Ice Seguerra Dr Anton Juan Choosing A Stage Play

Liza at Ice may inamin sa Choosing (A Stage Play)  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPANG na ipinakita ng mag-asawang Liza Diño Seguerra at Ice Seguerra …