PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
KAHANGA-HANGA ang sinserong pakikidalamhati sa kanyang “mare ni Ms Vilma Santos.
Isa nga rin sa mga naunang pumunta sa burol ni ate Guy ang ating mahal na Star for All Seasons at rival ng Superstar for the longest time.
Ramdam namin ang kanyang kalungkutan dahil naging kakambal nga niya si Nora sa showbiz, sa tagumpay man o pagkalugmok.
Wala na talagang makakapantay o makakadikit man lang sa uri ng ‘rivalry’ nila lalo na noong 70’s at 80’s, kung kailan sobra silang namayagpag bilang mga icon at legends ng industriya.
Hindi man nabitbit ni ate Guy ang klase ng outstanding evolution ni ate Vi (from showbiz to politics), hindi maipagkakaila na nagkatulungan sila sa maraming aspeto ng kanilang buhay at career at sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Magkaiba man ang ‘greatness’ na naiambag nila sa buhay ng bawat Pinoy through their body of work in the industry, hindi maitatangging walang Nora kung walang Vilma and vice versa.
Abala si ate Vi sa kanilang kampanya sa Batangas at ang dagok na ito sa pagkawala ng isang Nora Aunor ay tiyak na magbibigay ng karagdagang inspirasyon para lalo niyang paigtingin ang mga adbokasiya niya sa HEARTS, lalo na sa aspetong Health o kalusugan para sa kanyang mga kababayan at kaibigan.
HEARTS stands for HealthCare, Education (environment-employment), Agriculture (arts), Roads & Infrastructure, Tourism (technology) and Security (social welfare).
Muli, sa mga kaibigan naming Noranians, mula sa amin, sampu ng iba rin naming ka-Vilmates, nakikiramay po kami at nagdarasal para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng nag-iisang Nora Aunor.