Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janno minura, rumesbak sa mga basher: Hindi ako sumang-ayon dinamayan ko lang

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI napigilan ni Janno Gibbs ang sarili na pumatol sa bashers nang makatanggap ng pamba-bash dahil sa naging reaksiyon niya sa nangyari sa kanyang kaibigang si Dennis Padilla sa kasal ng anak nitong si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.

Sa post ng kapwa komedyante na si Gene Padilla tungkol sa pambabalewala raw ni Claudia at ng ina nitong si Marjorie Barretto sa kanyang kapatid, nag-post si Janno ng tatlong crying emojis.

Kasunod nito ay binatikos na nga ng mga netizen si Janno. 

May nagsabi na, “Enabler yarn!”

‘Yung isa naman ang sabi, “Bwesit manahimik ka!”

Bilang resbak  ni Janno sa mga bumatikos sa kanya, ay minura niya ang mga ito.

Mga put*ngin*nyo. Wala naman ako sinabing sang-ayon ako. Malungkot ang kaibigan ko, nakikisimpatya lang ako. Emoji lang, enabler na?” ang hirit ni Janno.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Hindi ko siya pinagtatanggol, mga ulol. Dinadamayan ko lang sa kalungkutan. Mga tanga!” 

Sinundan pa niya ito ng  “dirty finger” emoji.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …