Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kier Legasp Marjorie Barretto Dennis Padilla Janno Gibbs

Kier sumawsaw sa isyu nina Dennis-Marj; Janno nadamay sa bashing

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MUKHANG hindi pa magre-rest in peace ang isyu tungkol kina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

Matapos kasing magpasabog ng mga kasagutan si Marj sa show ni Mama Ogie Diaz na nagpakawala ng matitinding emosyon si Dennis, may mga samo’tsaring opinyon din ang ilan sa mga nakatrabaho at kaibigan ng dalawa.

Sa isang napanood naming panayam kay Kier Legaspi, sinabi nitong masakit para sa isang ama ang naranasan ni Dennis. Hindi niya ma-imagine kung ano ang magagawa niya if ever mang mangyari ‘yun sa kanya. 

“Basta ako, ginagawa ko ang tungkulin ko bilang ama,” sey pa nito. Anak nina Kier at Marjorie si Dani na nakagisnan ding ‘ama’ si Dennis.

Samantala, si Janno Gibbs naman na nagpahayag lang ng simpatiya sa kaibigan ay nakatanggap din ng bashing at tinawag pang ‘enabler’ ng netizen.

May ilan pang kaibigan si Dennis na sumusuporta sa damdamin niya, pero ang netizen ay tila nakuha ni Marjorie dahil negative at tadtad pa rin ng hindi magagandang reaksiyon sa pangyayari ang mga tao laban kay Dennis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …