Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene at ina sobrang nasaktan, Dennis binalewala sa kasal ng anak

MA at PA
ni Rommel Placente

KUNG may mga naawa kay Dennis Padilla sa naging sentimyento nito sa social media na pakiramdam niya ay bisita lang siya sa kasal ng sariling anak na si Claudia Barretto, may mga nam-bash din sa kanya at sinabing buti pa nga raw at naimbitahan siya.

Hindi naman na nakatiis ang kapatid ni Dennis na si Gene at ipinagtanggol ang kanyang kuya. Kasama rin pala ito at ang ina nila na dumalo sa kasal nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo. 

Manahimik daw ang nasabing basher, ani Gene, dahil wala itong alam sa buong pangyayari at karanasan nila noong araw na ‘yun.

Ngayon lang daw naka-witness si Gene na walang partisipasyon ang ama ng bride sa kasal ng anak. Excited pa naman ang kanyang kuya. Wala raw kumausap sa kanilang event organizer at walang abiso kung lalakad ba ang ama papuntang altar.  

Nagtanong daw sila kung saan uupo ang kanilang ina at sinabing kahit saan na lang daw at si Dennis ay pinaupo na lamang sa tabi ng mga ninong.

Naiyak daw ang kuya at ang ina niya. Nag-papicture na lamang daw sila sa simbahan. Hindi na pumunta sa reception at umuwi na lamang.

Mensahe ni Gene sa mga pamangkin na si Claudia, ang  tagal na panahon na nanunuyo at nanghingi ng atensyon ang ama nila sa kanilang magkakapatid. Iyon ba raw ang itinanim ng mga nakapaligid sa kanila? 

Dagdag pa niya, “Puro kayo karangyaan at kasikatan… sa inyo na lahat ‘yan… sanay kami sa hirap at ‘di talaga kami nababagay sa inyo… pero ang ipinagkaiba namin sa inyo ay ‘yung puso namin at dignidad.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …