Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan

Direk Joel Lamangan ayaw ng nale-late, ‘di nagme-memorize ng dialogue

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Direk Joel Lamangan sa The Men’s Room, hosted by Stanley Chi at Janno Gibbs, natanong siya tungkol sa kanyang pagiging terror na direktor.

Kilala naman kasi si direk Joel na palamura sa shooting. 

Ayon kay direk Joel, istrikto siya when it comes to time. Ayaw niyang dumarating ang mga artista niya na sobrang late sa set. Makapaghihintay siya hanggang 15 minutes lamang.

Kaya kapag nali-late raw ang kanyang mga artista ay pinagagalitan niya ang mga ito, kaesehodang big star na o nagsisimula pa lang.

Mula nga raw kay Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, ay napagalitan niya na, nang late dumating ang mga ito sa kanilang shooting.

Ang isa pang ayaw ni direk sa mga artista ay kapag daw tanga ang mga ito.

Ayaw niyang hindi name-memorize ang mga dialogue sa kanilang mga eksena. ‘Yung hindi alam ang gagawin. Na paulit-ulit nagkakamakali. At doon na nga niya namumura ang mga ito.

Mayroon pa nga raw isang pagkakataon na sinabihan niyang mag-waiter na lang ang isang baguhang artista, dahil hindi maka-arte ng tama, na nangyari naman daw.

Minsan daw na naglalakad siya sa Makati, may isang waiter na gwapo na tumawag sa kanya. Tapos sabi raw nito sa kanya ay siya ‘yung pinagalitan niya noon sa shooting na sinabihan niyang mag-waiter na lang. At isa na nga raw itong waiter sa Dubai.

Kung isang terror na direktor si direk Joel, ngayon ay hindi na. Inatake raw kasi siya sa puso noon kaya hindi na pwedeng laging nagagalit at baka ma-high blood. Gusto pa niyang mabuhay ng matagal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …