Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Padilla Julia Claudia Leo Barretto Catalina Baldivia

Dennis natupad pangarap na makasama ang mga anak   

MA at PA
ni Rommel Placente

ISANG masayang larawan kasama ang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leo Barretto ang ibinahagi ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram kamakailan. 

Sa wakas nga ay natupad na ang matagal nang pangarap ng komedyante na makasama ang mga anak na sa mahabang panahon ay napagkait sa kanya. 

Kasama rin sa larawan ang ina ni Dennis at lola ng tatlo na si Catalina Baldivia.

Ang maiksing mensahe ni Dennis: “Miss you mga anak [heart, rose, praying hands emojis]”

Sa isang larawan ay may kuha naman si Dennis at anak na si Leon na kaka-celebrate lamang ng kaarawan. Binati ito ni Dennis at sa comment section at nagpasalamat naman si Leon sa ama.

Magandang kaganapan ito para kay Dennis lalo’t tumatakbo ito bilang konsehal sa 2nd district ng Caloocan. 

Nagpaabot naman ng kagalakan ang mga kaibigan ni Dennis sa showbiz, maging ang mga ordinaryong netizens na nasubaybayan din ang mahabang hinaing nito na makasama ang mga anak. 

Sabi ng isa  “This makes my mama heart so happy..I would not want my kids to isolate their dad no matter what he did..so this is such a great development. Sana Tuloy Tuloy na ang good relationship nyo po.god bless. you”

Mula nang maghiwalay sina Dennis at Marjorie noong 2007 ay sa poder na ng aktres lumaki ang mga anak hanggang sa magkaroon na rin sila ng kani-kanilang buhay ni Dennis. Pero sa maraming pagkakataon ay ibinabahagi na noon ni Dennis ang sobramg pagka-miss sa mga anak na hindi na niya masyadong nakakasama. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …