Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Espanto Juan Karlos ABS- CBN Ball

Darren at Juan Karlos spotted na nag-uusap sa ABS CBN Ball

MA at PA
ni Rommel Placente

POSIBLE raw na nagkabati na sina Darren Espanto at Juan Karlos sa nakaraang ABS- CBN Ball

Sa isang group photo kasi na ipinost ni Karen Davila kasama sina Small Laude, Sofia Andres at ilang kaibigan, nahagip ng kamera sa likod nila na nag-uusap sina Darren at JK. May  kasama pang isang lalaking nakatalikod. 

Kaya naman ang netizens ay naniniwalang  nagkabati na ang dalawang Kapamilya stars. 

Magka-batch sa The Voice Kids ang dalawa noong 2014 at taong 2018 ay nagkaroon sila ng matinding away. 

May kumalat kasing post sa Twitter (X na ngayon) noon na umano’y galing kay JK. Nag-viral iyon at na-bash nang husto si JK.

Pero mariin itong pinabulaanan ni JK.

Sa aming interview sa kanya noon ay sinabi niyang na-hack ang kanyang account. 

Nang i-message niya raw si Darren noon ay hindi ito naniwala. 

Kasunod nito, nagsampa ng cyberlibel case laban kay JK ang nanay ni Darren na si Marinel Gonzales-Espanto noong 2019 pero ang balita namin ay  na-dismiss na raw.

Matagal-tagal na panahon din ang naging alitan nila pero last year sa first major concert ni JK nang tanungin kung willing siya na makipag-collab kay Darren, say niya ay bakit naman hindi. 

Sana nga ay nagka-ayos na sina Darren at JK.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …