Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Jojo Mendrez

Claudine kay Jojo — Nandito lang ako, maraming nagmamahal sa iyo

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGPAABOT ng suporta si Claudine Barretto sa singer na si Jojo Mendrez sa hindi magandang pinagdaraanan nito ngayon. 

Nakarating kasi sa aktres ang pag-file ni Jojo ng grave threats sa Quezon City Prosecutor’s Office laban kay Mark Herras.

Sa pamamagitan ng isang video, nagpadala ng mensahe si Claudine para sa tinaguriang Revival King.

Ayon kay Claudine, sinubukan niyang tawagan si Jojo, pero hindi niya ito makontak. Nasa Lanao kasi siya, at mahina ang signal doon. 

Sabi ni Claudine, “I’ve been trying to call you and reach out to you. Narinig ko ‘yung balita sa Lanao at walang signal doon. I’ve been trying to reach out to you dahil nalaman ko kung anong nangyayari. I just read about it, kapatid.

“Gusto ko lang malaman mo na nakausap ko ang mga kaibigan natin, and alam ko na ang mga nangyari. And that, huwag kang matakot. Nandito lang ako. Ang daming nagmamahal sa’yo.

“Hindi ko sasabihin sa ’yo I told you so, dahil alam kong mabuti ang puso mo. Pero next time, mag-ingat ka sa mga tao na pwede mag-abuse sa ’yo at gusto ko lang malaman mo na kung nasasaktan ka ngayon, nasasaktan din ako.”

“As long as nasa tama ka, kung sino ang kalaban mo, dapat [mapanagutan]. Nandito ang support ko sa’yo, 100 percent.

“Huwag kang pumayag na magpaapi ka, ginagamit ka, or inaabuso ka. Mahal kita kaya andito ako bilang kaibigan, bilang kapatid. Gaya ng sinabi ko, huwag kang matakot. Nandito kami. Walang pwedeng manakit sa ’yo. Tandaan mo ’yan. Mahal na mahal kita,” ang makabagbag damdamin pang mensahe ni Claudine para sa kanyang kaibigan.

Samantala, out na sa streaming platforms ang latest single ni Jojo na Nandito Lang Ako mula sa komposisyon ni Jonathan Manalo.

In fairness, ang sarap pakinggan ng awitin dahil sa ganda ng lyrics at melody nito, at ang ganda ng pagkakakanta ni Jojo. Ramdam na ramdam mo ang  kanyang emosyon. At bagay na bagay sa boses niya ang Nandito Lang Ako, sa totoo lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …