Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Lapid Lito Lapid Cebu

Supremo Lito isinusulong pagpapalago ng heritage, pilgrimage tourism destination ng Cebu

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MABUTI pang bigyan na lang natin ng pansin ang pagsusulong ni Senador Lito Lapid ng pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan ng Cebu at buong bansa. 

At dahil next week ay Semana Santa na para sa lahat ng mga Katoliko sa bansa, nawa’y mapagnilayan natin ang mga ganitong gawain ng isang lider.

Sa kanyang motorcade last weekend, dumaan at ininspeksiyon ng senador ang restoration project sa Nuestra Señora del Pilar complex na pinondohan ng P110-M ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority(TIEZA) na pinamumunuan ni COO Mark Lapid, katuwang ang National Historical Commission of the Philippines at Cebu Capitol. 

Ang makasaysayang simbahan ay napinsala ng super typhoon Odette noong December 16, 2021. 

Ayon kay Lapid, pinuno ng Senate Committee on Tourism, layunin ng restoration project na maisaayos at manumbalik ang mga napinsalang bahagi ng simbahan bilang pagkilala sa Cebu na isang heritage and religious tourism destination.  

Madalas na bumibisita at nagdarasal si Lapid sa mga simbahan na kanyang nadadaanan sa motorcade sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Itinuring ang Cebu bilang isa sa mga haligi ng Kristiyanismo sa Pilipinas at Asya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …