PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City.
Bunsod ito ng sunod-sunod na pangyayari na ayon sa dating Miss Universe-Philippines President ay taliwas sa kanyang prinsipyo at adbokasiya para sa mga kababaihan at kabataan.
Hindi man binanggit pero ang lahat ng nakatutok sa balita kasama na kami ay naniniwalang dahil ito sa kagaspangan ng ugali at kakaibang paraan ng pananalita ng isang abogadong kandidato na kasama nila sa team.
Ang abogadong tinutukoy ay iyong tinawag ang pansin ng mga babaeng hiwalay sa asawa o matagal ng “tigang” para makasiping sa kanya.
Nakakaloka pero mas lumala pa ito nang ipakilala sa stage ang babaeng staff na malaki ang pangangatawan na aniya, hindi niya magagawang sipingan dahil hindi niya tipo ang ganoon plus kumpare niya ang asawa niyon.
Nakkaimbyerna ang mga ganitong kandidato kaya hinangaan ng marami ang naging desisyon ni Shamcey.
Ang tanong, si Ara Mina kaya na sa isang video ay nakita pang nasa likod niyong abogado habang nag-iimbita ng mga kababaihan ay mag-resign na rin o ‘di naman kaya’y magbigay man lang kanyang pahayag?