Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Angillyn Gorens

Buboy itnanggi pananakit sa dating karelasyon

MA at PA
ni Rommel Placente

SA kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ni Buboy Villar na nagkaroon na rin ng anak sa ibang lalaki ang dating karelasyon na si Angillyn matapos ang kanilang hiwalayan.

Sa kabila raw ng pagkakaroon ng anak sa iba ni Angillyn ay wala siyang ibang sinabi, at hindi siya nagalit sa nangyari.

Tito Boy, gusto ko lang po, para sa akin, nakalulungkot mang sabihin, gusto ko rin sana, parang nirerespeto niya rin sana kung ano ako. Kasi siya, Tito Boy, I promise, I swear to God, nirerespeto ko po siya,” pagbabahagi ni Buboy.

Pagkatapos nito ay ibinahagi niya na may naging karelasyon na rin si Angillyn matapos nilang maghiwalay at nagkaroon siya ng anak rito.

Simula nga noong nagka-anak rin siya sa bago niya, hindi naman po ako nagsalita, Tito Boy.

“Bago po ako nagka-anak, nagka-anak na rin po siya Tito Boy, doon po sa Amerika. Hindi po ako nagalit,” sabi pa ni Buboy.

Siya pa nga raw mismo ang nagtanong sa dating karelasyon tungkol sa bago nitong anak matapos niyang makita ang picture sa story na ibinahagi nito.

Sa kabila ng nalaman ay walang naramdamang galit si Buboy kay Angillyn at sinabing gusto niya lang masagot ng maayos ang mga anak sakaling magtanong ito tungkol sa ina.

Hindi ako para pakialaman ko po ‘yung buhay niya. Mine-make sure ko lang po, kasi para alam ko rin po ‘pag nagtanong sa akin ‘yung anak ko. Alam ko rin po kung ano ang sasabihin. Hindi po ‘yung parang, ‘Ah talaga? Bago sa akin ‘yun. I didn’t know that,’” paliwanag ni Buboy.

Bukod sa kanyang rebelasyon ay isa-isa rin niyang sinagot ang mga paratang sa kanya ni Angillyn gaya ng hindi niya pagsustento sa kanilang mga anak pati ang umano’y pananakit niya rito,  na aniya ay walang katotohanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …