Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo sexy

Kathryn humiwalay, gusto ng kalayaan

MARAMI naman ang nagsasabing tila may bagong Sarah GeronimoMommy Divine ang showbiz sa katauhan nina Kathryn at Mommy Min Bernardo.

Bukod kasi sa isyu ng pagnanais ni Kath na makapag-solo na (away from her family) ng tirahan, mukhang totoo na nga raw yata ang tsikang bf na ng aktres ang Mayor ng Lucena City.

Although good friends pa rin naman daw sina Alden Richards at Kathryn, mukhang wala na ngang romantic angle ang dalawa. At tila totoo ang tsismis na binasted ni Kath si Alden, kahit pa botong-boto rito ang pamilya ng dalaga lalo na ang nanay niya.

At dahil 29 years old na si Kath na tinagurian ngayong box-office queen at superstar sa showbiz, gusto nga nitong patunayan na keri niyang maging independent.

Ang ipinagkaiba lang daw nina Kath-mommy Min kina Sarah-mommy Divine eh mas masunuring anak daw si Sarah at takot sa nanay niya. Though eventually because of true love sa asawa nitong si Matteo Guidicelli, ipinaglaban nito ang sarili kaya’t happy ito sa ngayon. Case unresolved pa nga lang kung bumalik na sa dati ang relasyon ni Sarah sa pamilya niya.

And with now Kath- mommy Min, ang huli ang nagsasabing hindi ito nakikialam sa buhay pag-ibig ng anak kahit sanrekwa ang nanliligaw dito. Pero si Kath, wants independence, kasama na ang isyu sa bf.

So there!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …