PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para sa mga tatakbo sa May election.
‘Yung mga naunang kampanya kasi ay hindi pa regulated ng Comelec kaya asahan nating mas maigting, mapangahas, at palaban ang mga magbabanggaang kandidato sa local level.
Sa Marikina ay tila mayroong silent martial law dahil suspendido ang mayor dito at pinalitan ng isang konsehal para lang magtuloy-tuloy ang serbisyo sa mga tao.
Sa Manila naman ay bonggang magbabanggaan ang mga partido nina Yorme Isko Moreno at mga kaalyado kontra mga partido nina incumbent mayor Honey Lacuna at isa pang makikipagtunggali. Ang grupo ni Sam Verzosa ay naninindigan bilang kanilang pambato kahit pa nga hindi kompleto ang line-up nito.
Sa Batangas province ay patuloy sa pag-arangkada ang tropa nina Vilma Satos-Recto, Luis Manzano, at Ryan Christian Recto mereseng maraming mga echoserang nagpipilit silang tibagin.
Asahan na po natin na magiging piyesta araw-araw sa napakaraming lugar sa bansa dahil sa mga ganitong kaganapan kaya’t higit tayong mas maging mapanuri at maingat.