PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
PALABAN na rin talaga ang mga nasa mainstream news personalities natin huh.
After ngang maglabas ng saloobin si Adrian Ayalin hinggil sa PHD title ni Ronnie Liang, mukhang ikinukonsidera na ni Mariz Umali ang humingi ng legal advice laban kay Ramon Tulfo.
Sa mga hindi nakababatid, medyo oa ang ginawang pagtuligsa ni Mon Tulfo kay Mariz kaugnay ng “matanda item at Medialdea.”
Pati nga ang NUJP (National Union of Journalists of the Phils.) ay kinondena ito at nagpapayo kay Mariz na gumawa ng legal na hakbang.
This time naman ay si Gretchen Ho ang nakikipag-bardagulan sa netizen dahil sa usaping “bias.”
Very witty lang nitong sinagot ang mga batikos ditong “biased” na nga raw para sa administrasyon ni PBBM ang mga gaya nila sa pagre-report tungkol sa lagay ngayon ni dating Pangulong Digong Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands..
Sey ni Gretchen, “may ‘ed’ (letters) po ang bias,” kung inilalarawan nga raw ang salita sa mga reporter na gaya niyang nasa Netherlands.