Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dingdong Dantes Marian Rivera

Marian aminadong sobrang selosa, ‘di palalampasin babaeng dumidikit kay Dong

MA at PA
ni Rommel Placente

INAMIN ni Marian Rivera na talagang selosa siya noon, pero hindi raw siya basta nagseselos ng walang dahilan at walang sapat na ebidensiya.

Kapag may kakaibang feelings siya sa mga babaeng nakakausap o nakakasalamuha ng asawa niyang si Dingdong Dantes ay hindi siya basta-basta mananahimik at deadma lang.

Ayon pa kay Marian, ang babae, hindi basta magseselos kung walang dahilan. Nature raw ng babae iyon.

At siya nga raw, kapag may nakita o napapansin na may isang babae na nagpi-flirt sa mister niyang si Dingdong talagang nagri-react siya.

My God napakaipokrita niyon. No, no, no for me. Kapag may sitwasyon na nakikita mong alanganin, magre-react ka talaga,” sabi ni Marian.

Ang mali lang daw niya noon, super react agad siya sa mga pinagselosang babae nang hindi muna kinakausap si Dingdong. “Ayun lang, nagre-react agad ako roon sa babae. Dapat pala kay Dong ako nagre-react.”

Walang binanggit na mga pangalan si Marian ng mga babaeng pinagselosan niya noon pero naka-move on na siya at napatawad na ang mga iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …