Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buboy Villar Khrizza Mae Sampiano

Isay sagot sa mga dasal ni Buboy

MA at PA
ni Rommel Placente

SA podcast ni Tuesday Vargas na Your Honor na birthday episode ni  Buboy Villar, ini-reveal niya na may bago na siyang jowa, si Khrizza Mae Sampiano o Isay, at may isa na silang baby, si Kyruz o Kyriena 3 month old na.

Ayon kay Buboy, nagsimula ang love story nila ni Isay nang i-message niya ito online.

At ang baby nila ay bininyagan na rin nitong weekend, na kabilang sa tumayong ninong at ninang ng bata ang Kapuso couple na sina Mikael Daez at Megan Young

Natanong si Buboy kung ano ang pinaka-major requirement niya sa muling pagpasok sa isang relasyon.

“Number one rule ko talaga, siyempre may mga anak ako. At pinakagusto ko talaga, bago ‘yan, bago mo ‘ko mahalin, gusto ko lang sana maintindihan mo ‘yung sitwasyon ko.

“Mayroon akong dalawang mga anak at kailangan mas mahal mo sila, kasi sila ang buhay ko. Ngayon, ‘pag hawak mo ang buhay ko, hawak mo rin ako.

“Hahawakn kita hindi sa para sakalin, hahawakan kita at aalagaan kita hangga’t sa makakaya ko,” aniya.

Itinuturing ni Buboy na answered prayer at “blessing in disguise” ang pagdating ni Isay sa buhay niya after seven years of being single.

First time ko maranasan na, siya lang ‘yung parang laging nakikinig sa ‘kin. Parang ako pa nga ‘yung nagsasabing, ‘may gusto ka bang i-share sa ‘kin?

“Kaya siguro rin, Madam Chair (Tuesday), aaminin ko rin, kaya kami biniyayaan ng isang sanggol. Kaya kami nagkaroon ng baby din,” rebelasyon ni Buboy.

Talaga raw inilihim muna niya ang tungkol sa bago niyang pamilya, “Ayoko ‘yung parang mapangunahan siya ng mga tao, kasi alam mo naman, may social media, ang daming magagaling.

“Parang, kung alam mo ‘yung pinanghahawakan namin ngayon, masaya na kami roon. Hindi na kailangan mandamay pa ‘yung ibang tao, manghimasok na ‘yung ibang tao,” dagdag ng komedyante.

“Proud ako. Proud ako sa karelasyon ko. Proud ako sa baby namin. Proud ako na mahal niya kami, mga anak ko,” sabi pa niya.

Sinorpresa rin ni Isay si Buboy sa programa with matching birthday cake, “Happy birthday, Dy. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ikaw ‘yung ibinigay niya sa ‘kin.”

Hirit pa niya kay Buboy, “And sana bawasan mo na ‘yung pag-iinom mo. Lagi lang ako naka-support sa ‘yo through ups and downs, alam mo ‘yan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …

Lella Ford Karla Estrada

Karla sasampolan basher ni Lella Ford

RAMDAM namin ang galit kay Karla Estrada lalo sa isang basher na may socmed name KACCH4N. Grabe kasi …

Blind Item, Sexy Girl

Iisang babae sangkot daw sa Big Four

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE ang ingay ng social media world ng showbiz. Kaugnay pa …

Marian Rivera Odette Khan

Marian tahimik nagpaabot ng tulong kay Odette Khan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na nagpaabot ng tulong si Marian Rivera para sa aktres na si Odette …