Thursday , March 27 2025
Lito Lapid Coco Martin

Coco inendoso si Supremo Lito  

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

DESPITE his very busy schedule, talagang nagbibigay ng oras si Coco Martin para samahan si Sen. Lito Lapid sa pag-iikot nito.

Sa proclamation event ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa Batangas, personal na nakiusap si Coco na iboto si Sen. Lapid, Supremo kung kanyang tawagin, dahil sa karakter nito sa Batang Quiapo.

Gusto ko rin po sanang hilingin sa inyo ang isa sa aking inirerespeto, mahal na kaibigan at itinuturing ko ring ama, hindi ako mapapalapit sa taong ito kung hindi ko nakita sa kanya ang kabutihan, kababaang loob, pagkilos at pagiging tapat,” bahagi ng pakiusap ni Coco sa mga taga-Batangas.

Sey pa ni Coco na kung may oras din lang talaga siya at keri ng iskedyul niya, hindi magdadalawang isip ang tropa ni Sen. Lapid na isama siya sa pangangampanya gaya nga ng naganap sa Batangas, kaugnay ng FPJ Panday Bayanihan partylist.

Pinangungunahan ng anak ni Senadora Grace Poe-Llamanzares na si Bryan Poe-Llamanzares ang partylist.

Nagbigay din ng special na message si Lito sa pag-endoso naman ng FPJ partylist. 

Aniya, walang Lapid sa showbiz, kung walang FPJ.

Hindi raw niya kailanman malilimutan ang malaking naitulong ni FPJ sa kanilang pamilya dahil ang kanyang amang si Jose Lapid ay naging stuntman noon ni FPJ. Sa kandungan ni FPJ namatay ang tatay ni Sen. Lito. At nang pasukin na rin ng senador ang showbiz, si FPJ ang sumuporta rito kahit na noong ilunsad siya sa The Jess Lapid Sr. Story (uncle niya na sumikat din at tatay ni Jess Lapid Jr.).

Nagkasama sa pelikulang Kalibre 45 noong 1980 sina FPJ at Lito, kasama ang namayapang si Eddie Garcia, na ginawan nito ng batas  para sa mga taga-showbiz, ang Eddie Garcia Law.

About Ambet Nabus

Check Also

Arjo Atayde kusina on wheels

Kusina on Wheels angat sa mga proyekto ni Arjo

MA at PAni Rommel Placente SA unang sabak palang sa politika ni Arjo Atayde three years ago, …

Pio Balbuena Bam Aquino

Rapper/actor/ direktor nagpasalamat sa libreng kolehiyo ni Bam

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPASALAMAT ang rapper/actor/director at vlogger na si Pio Balbuena kay dating senador at independent senatorial …

Blind Item, man woman silhouette

Aktor na may record na user kumakapit kay leading lady para maging mabango

I-FLEXni Jun Nardo UMAASA ang isang film outfit na sa bago nitong ilalabas na movie eh kikita …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Jojo goodbye Mark na, hello Rainier

HARD TALKni Pilar Mateo LAGING mabilis ang ikot ng mga pangyayari sa buhay ngayon ng …

Bam Aquino Pio Balbuena

Pio Balbuena nagpasalamat kay Sen Aquino sa pagbibigay pag-asa sa mga tambay

NAPAKALAKING bagay na mabigyang pagkakataon na makabalik sa pag-aaral ang mga tambay. At naisakatupar ito …