Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver ‘di apektado fans ni Julie Anne na ‘di boto sa kanya

MA at PA
ni Rommel Placente

HININGAN namin ng reaksiyon si Rayver Cruz tungkol sa isyung hindi boto sa kanya ang ilang mga tagahanga ni Julie Anne San Jose para maging boyfriend ng singer-actress.

Ayon naman sa Kapuso actor, hindi siya apektado tungkol dito at tanggap niya na hindi niya talaga mapi-please ang lahat. 

Dagdag pa ni Rayver ay dapat na respetuhin na lang ang opinyon ng iba at ang mahalaga ay 100% ang pagmamahal niya sa kasintahan gayundin ito sa kanya, bukod pa sa tanggap sila ng pamilya ng bawat isa.

Nang tanungin namin kung may balak na bang i-level-up ang relasyon nila ni Julie Anne at mag-propose na rin sa kasintahan, aniya mahirap pang sagutin ito dahil kung mayroon mang tao na dapat unang makaalam ukol dito ay ang kasintahan mismo ‘yun. 

Nakausap namin si Rayver sa mediacon ng pelikulang Sinagtala, na isa siya sa mga bida kasama sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Arci Muñoz, at Matt Lozano, na gumaganap sila rito bilang mga miyembro ng isang banda.

Mula sa direksiyon ni Mike Sandejas, ang Sinagtala ay showing na Abril 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …