Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aubrey Caraan Claudine Barretto Lance Carr

Aubrey natakot, naiyak kay Claudine

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKATUTUWA naman ang tambalan nina Aubrey Caraan at Lance Carr dahil sila naman ang bibigyan ngayon ng limelight sa university series sa Viva One na avenues of the diamond.

Pressured po siyempre, pero kinakaya naman,” sey ni Aubrey sa mabigat na iniatang sa kanila ni Lance.

Sagot naman ni Lance, “I have been in the business for quite a while. I have been waiting for this break at ngayong nandito na ito, I will give it my all.”

Sa naturang univerkada isinilang at sumikat ang mga tambalang MarVen nina Heaven Peralejo-Marco Gallo, ang KrisshRome nina Krisha Viaje-Jerome Ponce, at ang HyGab nina Hyacinth Callado-Gab Lagman. Nariyan din ang iba pang tambalan nina Bea Binene-Wilbert Ross, Nicole Omillo-Jairus Aquino, at Abby Bautista-PJ Rosario, na very soon ay malamang magkaroon din ng kanilang mga sariling moment sa university series ni Gwy Saludes sa Wattpad

At ang nakaaaliw pa ay susuportahan sila nina Claudine Barretto at Bobby Andrews, na gaganap bilang parents ni Aubrey sa takbo ng kuwento.

Mapanood ito sa April 11, sa Viva One under direk Gino Santos na extra proud sa success ng series.

May nakatutuwang kwento si Aubrey hinggil sa experience niya working with Claudine sa nasabing series.

Naku po, first day ng taping, si Ms. Clau na agad ang kaeksena ko. First time naming lahat na makatrabaho siya at talaga pong nakai-intimidate ang presence niya. 

“Ang husay-husay pa niya hay, talaga pong sobra ang kaba ko at natakot ako. Kahit si direk Gino, medyo na-tense rin. 

“Kaya umiyak po talaga ako after ng scenes. ‘Yung iyak na relieved na ba. Good thing, Ms. Clau is so accommodating. Very supportive at hindi maramot magbigay sa eksena,” kwento pa ni Aubrey.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …