Friday , April 18 2025

Alice at Harry ‘tumakas’ sa parehong backdoor route — BI

031925 Hataw Frontpage

ni NIÑO ACLAN

TINIYAK ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado na iisa ang dinaang proseso ng dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at dating presidential spokesperson Harry Roque sa paglabas ng Filipinas.

Ayon kay Viado, tulad ni Guo, walang kahit anong naitalang rekord o flight manifest ang lahat ng paliparan sa bansa pati sa mga seaport na lumabas si Roque sa mga daluyang nabanggit.

Kompiyansa rin si Viado, batay sa lumabas na internal  investigation, wala isa mang kawani o opisyal ng immigration/port ang nasuhulan nina Guo at Roque para makalabas ng bansa.

Batay sa impormasyong nakalap nina Viado, sa Tawi-Tawi huling namataan si Roque bago tuluyang makalabas ng bansa.

Si Roque ay inisyuhan ng warrant of arrest ng House of Representatives nang mabigong dumalo sa pagdinig na mayroong kaugnayan sa ginaganap na imbestigasyon noon sa Philipine offshore gaming operation (POGO) na sangkot ang kanyang pangalan.

Inilinaw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), maging sa pagsakay sa isang private jet flight ay kailangang magsumite ng manifesto at flight plan para sa mga magiging pasahero nito kung saan patungong bansa.

Hindi matukoy kung sa Sual Port sa Pangasinan dumaan si Guo at si Roque lalo na’t inuugnay na may relasyon ang dating alkaldeng babae at ang mayor nito.

Bukod dito, nabunyag sa pagdinig na pawang mga fishing vessels ang dumadaong sa Sual Port. 

Nabunyag sa pagdinig, isang sindikato ang nasa likod ng paglabas sa bansa ni Guo nang hindi dumaraan sa legal at tamang proseso.

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …