Friday , April 18 2025

Bato idiniin sa ICC

031825 Hataw Frontpage

HINDI man kasama sa ipinalabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ngunit ilang beses nalantad ang kanyang pangalan bilang pangunahing tagapagpatupad ng gera kontra droga na kumitil ng libo-libong buhay sa inihaing reklamo ng tagausig.

Nakapaloob sa 54-pahinang dokumento na nakadetalye ang pangalan ng senador bilang isa sa mga  ‘co-perpetrators’ ni Duterte, tinukoy si Dela Rosa na ‘matagal nang kaalyado’ ng dating Pangulo at dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) kung kailan inilunsad ang Oplan Tokhang.

Sa ilalim ng Oplan Tokhang, ang mga pulis ay kumakatok sa mga pintuan ng mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng droga at hihihiling na sumuko bukod dito inilalagay sila sa drug watchlist katumbas ng death wish.

Magugunitang ang warrant laban kay Duterte ay may petsang 10 Pebrero 2025 ngunit nitong 13 Marso lamang isinapubliko.

Inaresto si Duterte noong 11 Marso, pagbaba nito sa paliparan mula sa Hong Kong na agad din ibiniyahe patungong The Hague, at isinailalim sa kustodiya ng ICC upang harapin ang kasong Crimes Against Humanity.

Isang araw matapos ang pag-aresto sa dating Pangulo ay naging mainit ang pangalan ni Dela Rosa na aarestohin dahil sa kasong isinampa laban sa kanya resulta ng kamatayan ng mga inosenteng biktima sa inilunsad na gera laban sa droga.

Naghayag si Dela Rosa na kanyang gagamitin ang lahat ng legal remedy sa Filipinas kabilang rito ang paghingi ng proteksiyon kay Senate President Francis Escudero upang mapigilan ang pag-aresto sa kanya.

Bahagi ng dokumentong inihain sa ICC ang pagtukoy sa papel ni Dela Rosa bilang pinuno ng pulisya ng Davao City noong 2012 kasabay ng pagpapatupad ng Tokhang.

“Where police Davao Death Squad (DDS) members were the shooters in a killing operation, they would sometimes stage a nanlaban (‘fight back’) scenario, in which they would plant a weapon on the victim to make it appear as though the victim had been killed by the police acting in self-defense. Sometimes DDS members planted drugs on the victims to create a justification for their targeting of victims,” bahagi ng dokumentong nilagdaan ni  Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.

Aminado si international law expert Rodel Taton, dean ng San Sebastian College-Recoletos Graduate School of Law na ang pagiging pinuno ng PNP ni Dela Rosa ang isa sa magiging paksa sa ICC na sa huli ay matutulad sa pag-aresto kay Duterte.

Tinukoy ni ICC assistant to counsel Kristina Conti na sa kanilang pagkakaalam ay paulit-ulit na nabanggit ang pangalan ni Dela Rosa para sa aplikasyon ng isang warrant of arrest na posibleng siya na nga ang susunod na arestohin.

Naniniwala si Atty. Michael Tiu, assistant professor sa University of the Philippines College of Law at pinuno ng International Criminal Law Program na bibigyan diin ng kampo ng nagreklamo ang papel ni Dela Rosa bilang pinuno ng PNP sa pagpapatupad ng polisiya.

Dahil dito, hinikayat ni Tiu ang lahat na hintayin na lamang kung magpapalabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Dela Rosa matapos ang pagtalakay ng pre-trial chamber. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …