Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Lito Zulueta Augusto Aguila Vilma Santos, ICON Essays on Cinema, Culture and Society

Libro ni Vilma na inilimbag ng UST Publishing box office ang bentahan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NASA Batangas kami last Saturday morning for a quick meeting sa ilang family friends pero kinailangan naming bumalik agad ng Manila para maihabol ang book signing event ng mga kaibigang Lito Zulueta at Augusto Aguila sa Megatrade Hall sa SM Megamall.

Maganda, masaya, at successful ang book fair dahil halos lahat ng mga key universities at publishing houses ay sumali.

Sa mga book lovers and voracious readers, heaven ang ganoong event kaya gorabels kami at nakisaya.

Siyempre, ‘yun din ang unang pagkakataon na inilabas for sale sa public ang scholarly book ng ating dearest Star For All Seasons Vilma Santos, ICON: Essays on Cinema, Culture and Society. Dalawang kopya ang binili ko, isang hardbound at isang softbound at masaya ako sa discount na ibinigay ng UST Publishing House.

Parang box-office hit ang naging sales ng book dahil dinagsa ito ng mga kapwa Vilmates at Vilmanians na sure kaming dadalo sa grand multi-media launch nito after elections para paprimahan kay ate Vi ang mga libro.

Malamang punompuno ng impormasyon at very relevant reviews ng mga movie and tv appearances ni ate Vi ang libro. Iskolar na iskolar ang talakayan ng mga awtor/writer na lahat ay may ipinagmamalaking doctoral degree from various universities and colleges.

Mahusay ang dalawang patnugot na sina Lito at Tots (sa kaswal naming tawag sa mga iginagalang na mga UST professor) at kahit hindi pa namin natatapos basahin ang buong libro, sasabihin naming magiging malaking ambag ito sa mga nag-aaral ng media at komunikasyon at iba pang mahihilig sa pelikula.

Nabalitaan naming mismong ang National Artist na tugang namin from Daet, Camarines Norte na si Kuya Ricky Lee ay personal na bumili ng kanyang sariling kopya last Saturday, pati na ang iba pang teachers and students.

Medyo late kaming dumating kaya na-miss din naming magpa-sign sana kay tukayong Ambeth Ocampo na may very interesting historical books ding on sale at isang self-confessed Vilmanian.

Si direk Jeffrey Jeturian ay proud ding ibinandera ang binili niyang libro with signature pa ng isa sa mga writer nito.

‘Yung nag-iisang okray na napadaan sa booth dahil curious kung bakit mahaba ang pila ng mga bumibili eh sinampal ng katotohanan sa naging tanong-intriga nito kung bakit daw may libro si Ate Vi at bakit binibili ito?

Minsan ang sarap manapak at pabalikin sa grade one ang tila mema lang at halata namang nang-uurot lang in guise of being a good reader?

Anyway, here’s congratulating again Lito and Tots and the UST Publishing for such a relevant, in-depth analysis and compilations of brilliantly written essays about Vilma Santos’ classic movies and tv roles.

And to Ate Vi, the still very relevant movie queen and star for all seasons, the legend and ICON, mabuhay ka!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …