Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP

Mia Pangyarihan at Mamalits may bagong negosyo sa Manila

MA at PA
ni Rommel Placente

TALAGANG hindi tumitigil sa pagtayo ng business ang magkaibigang Lito Alejandria na  kilala sa tawag na Mamalits sa showbiz, at si Mia Pangyarihan, na dating member ng Sexbomb.

May isa na naman silang business na itinayo na tinawag nilang  WASSUP Super Club/Resto Bar and Lounge sa  836 Galicia St., Brgy, 397 Sampaloc Manila.

Business partners nila rito ang GMA artist na si John Vic De Guzman at volleyball athlete na si Jayvee Sumagaysay.

Ang WASSUP ay itinayo para sa mga bagets na gustong mag-chill at mag-relax. Pero siyempre,hindi allowed ang mga minor. At pwede rin naman ang WASSUP sa mga may edad na.

Affordable ang food dito. Pero sabi ni Mia, hindi basta-basta ang food nila, maipagmamamaki nila na masasarap kahit nga hindi gaanong mahal ang presyo.

Tututukan ni Mia ang kanilang business Talagang magiging hands on siya rito.

Sisiguraduhin din niya na lagi siyang nasa WASSUP gayundin sina Mamalits, Jayvee, at John Vic para makita rin sila ng personal ng  kanilang mga  parokyano.

Malaking tulong kasi ang magiging presence nila roon para mas lalong dayuhin ang WASSUP.

At bilang isa rin namang dancer, makikisayaw din si Mia sa kanilang customers.

Tiyak gabi-gabi na namang mapupuyat si Mamalits para personal na asikasuhin ang WASSUP, gaya noong dati niyang business na Zirkoh na isang comedy bar, na gabi gabi ay naroon siya. 

Noong Wednesday, March 9 ginanap ang soft opening ng WASSUP na dinaluhan ng philanthropist at business woman, ang napaka-generous na si Miss Cecille Bravo, na first cousin ni Mamalits.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …