Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu BIR

Kim Chiu pumalag idinamay sa isyu ni Duterte

MA at PA
ni Rommel Placente

UMALMA si Kim Chiu sa maling interpretasyon at fake news tungkol sa kanya na inuugnay sa pagkakaaresto sa dating Pangulong Duterte. 

Nangyari ito sa episode ng noontime show na It’s Showtime, na isa si Kim sa nagbasa ng kanilang opening message para sa madlang pipol.

Para naman sa mga feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila, ang masasabi namin deserve,” sey ni Kim na sinundan ng hiyawan at palakpalan ng studio audience

Patuloy pa niya, “Wait, ‘di pa ako tapos…deserve ninyong rumesbak sa buhay!” Na ang tinutukoy ay ang segment nilang “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025.”

Kasunod nga nito, isang netizen ang nag-post sa socmed at inakusahan si Kim na nagsabing deserve raw ni Duterte ang maaresto at makulong. 

Nakaabot kay Kim ang tungkol dito kaya kaagad ay sinagot niya ang basher. 

Post niya, “Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?! Like O to the M to the G!” ang shookot na post ni Kim sa kanyang X account kalakip ang screenshot ng post ng netizen.

Dagdag pa ng aktres “Hoy! Kaloka kayo. Binasa ko lang ‘yung script namin na spiels. Kayo talaga! GV GV lang tayo spread kindness and good vibes.”

Kaagad namang humingi ng sorry ang nagpakalat ng bash na ito kay Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …