Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruffa Gutierrez Anna Magkawas Luxe Skin Glowtion

Ruffa proud sa edad na 50

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

AY naku, usapang ganda na lang tayo dahil pumirma si Ruffa Gutierrez ng kontrata sa Luxe bilang skin ambassadress ng tatlong produkto.

Ang mga produktong Luxe Skin Glowtion (ay naku ang ganda sa balat), Lip Cream, at Luxe Slim ang tatlong brand na ipinagkatiwala ni CEO Anna Magkawas kay Ruffa, na as usual ay madaldal at alam ang sinasabi tungkol sa products at sanay na sanay nang makipag-huntahan sa mga friend sa media.

Napakaraming mga pam-beauty pageant questions na sinagot ang dating second princess ng 1993 Miss World at proud nitong binabanggit na 50 years old na siya.

Hello, hindi ka na makakapag-sinungaling dahil kay Google. I am proud of my age at kung anuman ang ipinakikita nito sa ngayon,” sey pa ni Ruffa na nagpapakasipag mag-work dahil ang dalawang anak niyang sina Lorin at Venice ay kapwa pinag-aaral niya sa USA.

As a single mom, masaya ako na grounded at mababait ang mga anak ko. Unlike me noong araw na medyo pasaway,” natatawa nitong sambit habang nakatingin sa inang si tita Annabel Rama, na dumalo sa naturang event.

Hindi nag-share ng kanyang usaping puso si Ruffa dahil sabi nga niya, “one doesn’t need someone to make you happy.”

“Authenticity” naman ang naging kapwa tugon nila ni Ms Anna tungkol sa tanong namin kaugnay ng pabago-bagong definition ng beauty globally gaya ng pagka-uso ng Korean look, ng Latina beauty, exotic at iba pang ginagamit ng Gen Z at mga Alpha Gen.

And yes, sa pabulong naming tanong kay Ruffa dahil ipinagmamalaki nga niyang importanteng-importanteng “must have ang kompleto at maagang pagtulog.” 

Bukod sa exercise, food intake,  at ineendosong supplements, tawang-tawa kami sa naging sagot nito.

Alas-dose,” sabay halakhak at ‘yun na nga ang pinaka-maagang pagtulog na nakakapag-kompleto ng kanyang required eight hours of sleep.

Well, kung at 50 years old nga naman na ganyan pa rin ka-gorgeous, kaganda ang balat,  at ka-fresh looking ang aura, aba’y aagahan ko na rin ang tulog ko.

Kami kasi 12:02 a.m. matulog hahahaha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …