Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Antonio Carpio Sara Duterte Chiz Escudero

Carpio kay Chiz  
EBIDENSIYA PROTEKSIYONAN VS VP SARA

031325 Hataw Frontpage

Antonio CarpioSara Duterte Chiz EscuderoKASUNOD ng panawagan ng 1 Sambayan na simulan  ng Senado ang paglilitis sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,  hiniling nito kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na atasan ang Armed Forces of the Philipines (AFP) na tiyaking protektado ang mga ebidensiya ukol sa dalawang military aide ni Duterte na humawak ng P125 milyon confidential funds nito.

Batay sa liham na ipinadala ni dating retired Chief Justice Antonio Carpio kay Escudero, tahasang sinabi na dapat ngayon pa lamang ay naghahanda na ang senado ukol sa kailangang atensiyong legal at procedural details ng impeachment.

Kabilang sa mga iminungkahi ni Carpio na maaari nang simulan ng Senado ang pagrebisa sa impeachment rules na gawing simple lamang upang maging epektibo ang proseso.

Bukod sa mungkahing dapat nakapaloob sa impeachment rules na binibigyan ng kapangyarihan si Escudero o ang Senate President ukol sa usapin ng “forthwith  issue” na maaari na siyang magpalabas ng summons sa inirereklamong opisyal ng pamahalaan nang sa ganoon ay agarang makasagot sa reklamo laban sa kanya sa loob ng 15 araw.

Hiniling nila na pagkalooban ng senado si Escudero ng kapangyarihang pahintulutang tanggapin ang mga isusumiteng pangalan ng mga testigo ganoon din sa mga judicial affidavits.

Anila, dapat pahintulutan si Escudero na matiyak na maingatan o ma-preserve ang mga records na may kaugnay sa kaso na hawak ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Iginiit ni Carpio, lubhang mahalaga ang kanilang mga mungkahi upang magampanan ng Senado ang kanilang ‘sole power’ para sa paglilitis at paghuhusga sa impeachment cases.

Binigyang-linaw ni Carpio, kung susundin ng Senado ang kanilang mungkahi ay magtitiyak na uusad ang paglilitis nang walang anumang hadlang. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …