Wednesday , May 14 2025
Moira dela Torre

Moira not friends na rin ng ibang singer

MA at PA
ni Rommel Placente

HINDI pa rin tapos ang mga isyu kay Moira dela Torre. Sa naging guesting kasi ni Sam Milby sa programang ASAP ay  kita ang mga moment nila ni Regine Velasquez, na nagtsitsikahan. Habang abala sa pag-i-spiel ang co-host na si Robi Domingo.

Hulicam na  nagbiro  si Regine at sinabi kay Sam na, “were not friends anymore.” Ito kasi ang eksaktong linya rin nang matanong ang aktor sa isang interview niya kung kumusta na sila ni Moira?

Tila hindi rin lang si Sam ang may isyu kay Moira. Nauna na nga raw in-unfollow nina Yeng Constantino, Eric Santos, TJ Monterde at iba pang kasama sa dating management sa Cornerstonesi Moira. 

Pero ang tsika, kahit daw si Regine ay may hindi magandang karanasan kay Moira.

May ilang kaibigan daw ang nagparating sa songbird na sabi raw nito ay tili raw nang tili ito kung kumanta. Totoo kaya ito? Inakala pa naman ng iba na may nabuong friendship sa dalawa dahil pareho silang naging hurado sa Idol Philippines. 

Naku kung true, nakakaloka naman talaga, sey ng ilang netizens.

Mapapansin din na sa selebrasyon ng 30 years ng ASAP Natin Ito na naging parte rin naman si Moira, ay hindi pa ito nag-guest gayong nagkakaroon ng homecoming performances ang mga dating performers ng musical variety show.

May tsika kasing hindi raw sasama ang ilan sa mga ito kung naroon ang singer. Naku, how true?

About Rommel Placente

Check Also

Zaijan Jaranilla Jane Oineza Puregold Si Sol at si Luna

Serye ng Puregold na Si Sol at si Luna dekalidad na pelikula sa YouTube

MATUTUNGHAYAN ang mga komplikasyon ng pag-ibig at buhay sa trailer ng pinakabagong dating batang artista …

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Sylvia trailer pa lang ng Picnic na-magnet na

RATED Rni Rommel Gonzales MAY tila kung anong atraksyon kay Sylvia Sanchez ang Korean movie na Picnic. Trailer …